Ang Bansa Ng Pambansa Lyrics & Tabs by Radioactive Sago Project

Ang Bansa Ng Pambansa

guitar chords lyrics

Radioactive Sago Project

Album : Ang Itlog at Ang DemonyoPlayStop

May Pambansang Sagisag itong mahal kong bayan: May Pambansang Bayani na si Gat Jose Rizal, May Pambansang Awit din itong Lupang Hinirang Na pati ang pagkanta'y pagmumulan ng away! Para itong Pambansang Alagad nitong Sining Na ginawang aliwan? Sa halip na aralin Kung bakit ang Pambansang Sayaw itong tinikling O sipa ang Pambansang Laro't Laruan natin? Samantalang sa suntok tayong lahat sumikat Sa bawat pagwagayway ng Pambansang Watawat. Kaya Pambansang Araw ay dapat na ilipat Sa laban ng Pambansang Kamao itatapat. Kahit ang kahayupan ay ating dinakila: Isa nga itong bangus na Pambansa na Isda Ngunit higit sa lahat ang pinaka-Pambansang Hayop ay ang kalabaw na may Pambansang Wika. Kung agila nga itong ating Pambansang Ibon Bakit ito ay galing sa salitang Espanyol? Ginawa pang pundasyon ang kinathang "Haribon" Gayong may katutubong pangalan na si Banoy! Mayroon ding Pambansang Puno tayo sa nara, Mayroon ding Pambansang Prutas tayo sa mangga; May Pambansang Bulaklak tayo sa sampaguita, May Pambansang Damo ba na di marijuana? Palay, bigas, kanin lang ang dapat na igiit Na Pambansang Halaman sa panahon ng krisis; Palay, bigas, kanin lang — at hindi lechong biik — Ang Pagkaing Pambansa, kung di man Pandaigdig! Maligayang Araw ng Kalayaan! Ngayon araw, madaming tao ang natutuwa kasi holiday. Walang Pasok. Tapos tska pa lang nila maiisip na Araw ng Kalayaan pala ngayon araw.


Like us on Facebook.....
-> Loading Time :0.0073 sec