Sana'y Di Ko Na Nakita Lyrics & Tabs by Carol Banawa

Sana'y Di Ko Na Nakita

guitar chords lyrics

Carol Banawa

Album : CarolPlayStop

Nalaman kong hindi lang ako
At 'di rin totoo
Na ako lang iniibig mo

Ayoko sanang maniwala
Sa bali-balita
Baka isipin mo'y wala akong tiwala
Ngunit minsa'y nakita ko
Kausap mo'y iba at kayakap mo
Paliwanag pa ba ang kailangang marinig sa 'yo
Sana'y hindi ko na nakita
Nang 'di na ako nasaktan pa
Dahil sa 'yo, ngayo'y lungkot ang nadarama
Ganyan ba ang ugali mo
Nagbibilang ka at 'di makuntento
Sayang naman itong damdamin ko sa 'yo

Ganyan ba ang ugali mo
Nagbibilang ka at 'di makuntento
Sayang naman itong damdamin ko sa 'yo
Hindi lang mi-minsang nakita
Mayro'n kang kasama
At napansin ko'y papalit-palit ka
Nabuo nga sa isipan ko
Na kabilang ako
Sa karamihan ng iyong niloloko
Dahil nga sa nakita ko
Kausap mo'y iba at kayakap mo
Paliwanag pa ba ang kailangang marinig sa 'yo
Sana'y hindi ko na nakita
Nang 'di na ako nasaktan pa
Dahil sa 'yo, ngayo'y lungkot ang nadarama
Ganyan ba ang ugali mo
Nagbibilang ka at 'di makuntento
Sayang naman itong damdamin ko sa 'yo
Ahh
Hah
Sana'y hindi ko na nakita
Nang 'di na ako nasaktan pa
Dahil sa 'yo, ngayo'y lungkot ang nadarama
Ganyan ba ang ugali mo
Nagbibilang ka at 'di makuntento
Sayang naman itong damdamin ko sa 'yo

Like us on Facebook.....
-> Loading Time :0.0071 sec