Pagsibol Lyrics & Tabs by Arnel DC Aquino

Pagsibol

guitar chords lyrics

Arnel DC Aquino

Album : LaudsPlayStop

Bawat huni ng ibon
Sa pag-ihip ng amihan
Wangis Mo'y aking natatanaw

Pagdampi ng umaga
Sa nanlamig kong karamlan
Init Mo'y pangarap kong hagkan
Panginoon Ikaw, ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kaylan pa man
Ipahintulut Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa-ibayong kaginhawahan
Nangungulilang malay
Binulungan ng tinig Mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran
Nilusaw Mo sa simbuyong

Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran
Nilusaw Mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal
Panginoon Ikaw, ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kaylan pa man
Ipahintulut Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa-ibayong kaginhawahan
Panginoon Ikaw, ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kaylan pa man
Ipahintulut Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasa-ibayong kaginhawahan
Dalangin ko sana'y ipagtanto Mong tunay
Kaganapan ng buhay ko'y Ikaw lamang

Like us on Facebook.....
-> Loading Time :0.0051 sec