Hindi Ako Iiyak Lyrics & Tabs by Flippers

Hindi Ako Iiyak

guitar chords lyrics

Flippers

Album : Minsan Pa -Featuring Hindi Ako Iiyak- schlager PlayStop

Kape'ng aking tinitimpla, Lagi ngayong lumalamig.
di ko malaman, Kung kulang sa tamis.
Tasang walang kibo, Sa 'kiy nakatitig.

Ako't siya'y naghihintay, Masagi nang iyong bibig.
Buhok na mahaba, Iniingat-ingatan mo.
Nuong isang linggo'y, Pinaputulan mo ito.
Marahil ay pagod lamang, Ang aking isipan.
At di ko napansin, At hindi tinutulan.
Huwag kang mag-alala, Di ako iiyak.
Hindi magdaramdam, Kahit na ga patak.
Pag-ibig na minsan, na ating dinanas
Sa tulad kong putik, Tama na at sapat.
Pintong dati-rati bukas, Sa aking pagdating,
Ngayo'y nakasara, At panangga sa hangin,
Kung ako ay dumalaw, Ito ay katukin,

Pintong dati-rati bukas, Sa aking pagdating,
Ngayo'y nakasara, At panangga sa hangin,
Kung ako ay dumalaw, Ito ay katukin,
Kahit mahina pa, Sana ay 'yong sasagutin.
Kay linis ng silid, Walang nagkakalat,
Medyas at sigarilyo'y, Walang naghahanap,
Sanggol na nasanay, nasanay sa ama,
Ngayo'y natutulog ito, Kahit nag-iisa.
Huwag kang mag-alala, Di ako iiyak.
Di magdaramdam, Kahit na gapatak.
Pag-ibig na minsan, na ating dinanas
Sa tulad kong putik, Tama na at sapat.

Like us on Facebook.....
-> Loading Time :0.0090 sec